Posted in whatever

PHR: Pinoy Hopeless Romantics


I was already fond of reading literary fiction when I was younger. I remember reading paperbacks like Hardy Boys, SVU, SVH and Harry Potter. When I got into college, I still continued reading Young Adult books but also started reading Sidney Sheldon, Jackie Collins, Dean Koontz, and James Patterson to name some. All foreign authors if you noticed. And when I was in the middle of my sophomore year, lumabas na ang pagka-jologs ko. Pinatulan ko na ang Precious Hearts Romances or PHR—ang #1 Tagalog romance pocketbooks.

phr-3231

Naalala ko nung elementary ako, madalas pagalitan ng Mama namin si Ate Ashi ko. Lagi kasing nagbabasa ng PHR. Kaya ayun, dinedma ko nalang ang mga pocketbook na nagkalat sa kuwarto nila. Si Liza, yung panganay namin, mas pang-intelektuwal ang mga binabasa. Yung tipong Sheldon, Grisham, Steele. Si Sarah naman, yung isa ko pang ate, di siya masiyadong palabasa dati. The Da Vinci Code yata ang unang nobela na natapos niya. Pero at least medyo nahawa siya sa akin nung pinabasa ko yung Tell Me Your Dreams ni Sheldon. Pagkatapos nun, nagtuloy-tuloy na ang hilig niya kay Sheldon. Ngayon, Shoppaholic Series ni Sophie Kinsella naman ang collection niya.

Pag wala talaga akong ginagawa, kape at pocketbook lang ang kaharap ko. Yung Beastly ni Alex Finn, mga 12 hours ko binasa. Yung limang The Vampire Diaries naman, limang araw din. Kaya lang, medyo nagsawa ako sa English novels na pang-araw-araw na. Buti nalang na-discover ko ang PHR. It was a breather for me!

Nakakaloka ang PHR na to! Best-seller sila! Magmula sa tindera, highschool students, kasambahay, labandera, tomboy at mga bakla (ako ba?), merong koleksiyon nito. Pati yung na-interview naming estafadora dun sa Baguio City Jail para sa Theology subject namin, nung tinanong namin kung anong gusto niyang baunin namin pag bumalik kami, ang sabi niya, pancit canton at Tagalog pocketbook. Pati nga din yung ilang tigasing lalake na classmate namin nung highschool, meron din. Akala ko nga inagaw lang dun sa mga classmates kong girls, yun pala, sila mismo ang may dala.

Pero kung sa tingin niyo na pang-masa lang ito, you are definitely wrong. Pati kapwa ko nurses, nagbabasa din. Pati yung nanay kong school principal, parang teenager lang ang peg kung magbasa! May mga professionals din na dumadayo sa National Bookstore o sa palengke para bumili o mag-swap. Yung balikbayan box pa na padala ng ate ko, kalahating laman eh PHR. Kaloka! Ganun ka-adik ang mga Pinoy sa PHR. Gustong-gusto pa din kahit pare-pareho ang kuwento.

Sa mga nagbabasa diyan ng PHR familiar ba ang mga eksenang ito….?

1)BESTFRIENDS

Parang 2 out of 5 PHR books, ganito ang kuwento. Kadalasan childhood friends pa nga. Kadalasan din, si Kuyang leading man, chikboy tapos si Ateng leading lady, nerdy or plain looking. Tapos di nila namamalayan nagkaka-in-love-an na pala. Siyempre ang conflict, mag-besfriends nga kaya cardinal sin daw ang ma-fall sa bestfriend mo. Si guy manhid-manhidan. Malalaman lang niya na mahal niya si girl pag may ibang lalake na pumorma. Ayun na! Kung di pa klaro, panuorin niyo nalang ang Kung Ako Nalang Sana or Paano na Kaya.And speaking of similar-themed movie, gusto ko tuloy sabihin yung linya ni Jolina sa Labs Kita…Okey Ka Lang?,“Yes kaibigan mo ko … kaibigan mo LANG ako … And that’s all I ever was to you Ned – you’re best friend. Takbuhan mo kapag may problema ka … Taga-sunod … Taga-bigay ng advice … Taga-enroll … Taga-gawa ng assignment … Taga-pagpatawa sa iyo kapag nalulungkot ka … Taga-tanggap ng kahit na ano … And I’m so stupid for making the biggest mistake of falling in love with my best friend … Dahil kahit kailan hindi mo naman ako makikita eh … Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan …”

Charot!

2) BROTHER’S BESTFRIEND

In fairness, isa ito sa favorite plots ko. Aso’t pusa ang madalas na drama dito. Mahilig asarin ni big brother’s besfriend si girl. Pero pag may nanliligaw kay girl, mas matindi pa sa kapatid kung makabakod si boy. Ang dahilan niya, big brother’s instinct daw kung bakit pinoprotektahan. Yun pala eh nagseselos na. At kung bakit laging inaasar? Kasi di niya alam ang gagawin niya pag andiyan si girl kaya nang-iinis para mapansin or ma-conceal ang tue feelings.
Spoiler Alert: May eksenang susuntukin ni kuya ang bestfriend niya kasi sinaktan niya ang damdamin ng dearest sister niya.

3)CINDERELLA STORY
Balik ka na sa Kinder kung di mo pa alam ang takbo ng kuwentong to. Haha.

4)THE UNPROFESSIONALS

Ito naman yung eksenang CEO si Prince Charming tapos either Executive Assistant, Secretary or simpleng empleyada lang si girl. May mga eksena ditong nag-overtime si girl tapos saktong pati si Bossing ganun din. Magpupumilit si Bossing na ihatid si girl sa bahay. Kadalasan din, it’s either papapasukin ni girl si boss sa bahay or magpapababa na ang siya sa kabilang bloke dahil baka magtaka daw ang mga ka-family or mga shupit-bahay.
At ito pa! May make-out scenes sa office ni boss. Idagdag pa sa plot ang mga chismosang officemates. Either mga inggitera or nakikipag-kiligan ang mga ito.

5)JOB DESCRIPTION

Aside sa pagiging company CEO or businessman, ang madalas trabaho ng leading men eh model, actor, haciendero, ranchero, engineer, doctor, architect, rock star, military man, police, or secret agent. Puro may ibubuga naman.

Yung mga lalaking “poor man” ang dating sa kuwento, lalo na yung mga nasa Men in Blue series, wag kayong maniwala dahil nagbabalat-kayo lang sila. Either of the jobs stated above ang mga trabaho nila.

Sa mga girls naman, Cinderella minsan, either katulong or saleslady or waitress. Madami din namang romance writer, model, teacher, secretary or artist. Damsel in distress minsan at si boy ang hero.

6)VIRGIN?

OO! Halos lahat ng nabasa ko, virgin lahat at si Kuyang leading man ang nakakauna sa kanila. Lagi ding naïve si ate sa mga Rated-SPG na mga tagpo pero si guy, beterano na.

Nakakaloka din at kahit yung mga bidang girls na nagtratrabaho sa night club at liberated modern woman ang aura, virgin din.

 

7) ME & YOU AGAINST THE WORLD?
Ang mga kalaban lang naman lagi eh ang mga parents or ang malanding ex or stalkers. Pero kung makapagdrama sina ate at kuya, wagas! Selos at pride lang naman talaga ang nagpapalala, nanisi pa sila ng iba.

8)UNCONVENTIONAL MARRIAGE

Lagi din ito. Kunwari daw napilitan magpakasal sina guy at girl. Either may nangyari sa kanila or kailangang gawin dahil yun ang nakalagay sa kasunduan or last will and testament ng namayapang nakakatanda or business deal. May plano pa silang pag nakuha na nila ang deal or mana, maghihiwalay sila. May animosity sa start ng marriage kasi pareho nilang iniisip na ayaw nila sa isa’t isa. Yun pala, mahal nila ang isa’t isa kaya ayun, forever na silang kasal.

9) BREAK-UP SCENES

Ayun na eh! Sila na nga pero may drama pa. Tipikal na eksena dito ang pag-iwan ni girl kay boy kasi prinesyohan ng matapobreng parents ang pagkatao ni girl. Either may iba silang gustong ipakasal kay boy or ayaw lang talaga nila kay girl. Si girl naman, pa-humble kuno at “I’ll set you free” ang drama. Eksenadora din ang mga ex na kesyo siya pa din ang mahal at panakip-butas lang si bidang girl. Sa ibang eksena naman, kailangng hiwalayan ni boy si girl to protect her. Ito madalas ang meron sa nobelang may halong action. Ayaw niyang idamay si boy sa mga threats na natatanggap niya. Ang excuse pa niya, “Di kita mahal.” or “May mahal akong iba.” Kailangang painful words para kamuhian siya ni girl at lumayo. May eksena ding chismosa ang peg ni girl. Kunwari naabutan niyang nag-uusap sina boy at mga ka-tropa niya pero di nila alam na nandun siya. Tapos yung takbo kasi ng usapan, parang pinagpustahan lang siya or niloko. Tapos aalis si girl, yun pala may kasamang “…but I love her.” pala sa dulo ng linya ni kuya. Di tuloy narinig ni ate.

Ayun nga, pride at selos lang ang dahilan.

10) SWEETER THE SECOND TIME AROUND

Siyempre after na to  ng break-up. Minsan buwan or taon ang inaabot para  magkabalikan. Si guy just after the break-up, magiging palainom, magpapahaba ng balbas, at mangangayat. Depressed nga di ba? Si girl naman, siguro magpapahaba din ng balbas?Joke! Siyempre iyakan yan. Di niya papansinin si boy hanggang magsawa ito sa paghingi ng tawad. Tapos they’ll be away from each other.

Magkikita ulit sila at mare-realize, mahal pa nila ang isa’t isa at magiging sila ulit.

11) ENDING
Magkakaroon ng ketong ang guy at ipapadala sa leprosarium at lalayuan siya ni girl. Gagaling si guy at makakalabas at mare-realize na bakla pala siya. Maghahanap siya ngayon ng gwapong lalake. Malalaman ito ni girl at magagalit. Papatayin niya ngayon si guy gamit ang ice peak. Pagkatapos niyang patayin si guy, iinom siya ng muriatic acid. Di ito gumana kaya tumalon siya sa LRT. Ayun, patay silang pareho.

Charot! Siyempre alam niyo na ang ending di ba?

 

Advertisements

Author:

Ambivert freelance graphic artist and coffeeholic..and most of all, a Slytherin!

3 thoughts on “PHR: Pinoy Hopeless Romantics

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s